Monday, March 16, 2015

Bakit Masama Ang Mag Abuloy Sa Iglesia Ng Ikapu (10 percent )?

Una po sa lahat pinasasalamatan ko ang Panginoong Dios na lumikha ng langit at ng lupa sa biyayang binibigay Niya sa ating mga tao. Lalo na ang pang unawa at pagbubukas Niya sa aking puso at isipan upang masilayan ko ang katotohanan at kaluwalhatian ng Dios sa pamamagitan ng pag silang ng  evanghelio ng Panginoong Hesus. Lahat ng kapurihan at karangalan ay sa Iyo po lamang Amang Banal..Amen..


Ano po ba ang pag aabuloy ng ikapu sa iglesia? At bakit pinatutupad ito ng maraming relihiyon? Pag aralan po natin saan nanggaling ang kautusan na pagbibigay ng ikapu....

Marami po tayong mababasang Sitas sa Biblia sa Lumang Tipan tungkol sa pagbibigay ng mga Israelita ng ikapu sa panginoon. Eto po ang ilan :

Lumang Tipan (Old Testament):


Malachi 3:10
10 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.

Leviticus 27:30-32
30 At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon. 31 At kung ang sinoman ay tutubos ng alin mang bahagi ng kaniyang ikasangpung bahagi ay idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyaon. 32 At lahat ng ikasangpung bahagi sa bakahan o sa kawan, anomang madaan sa tungkod, ay magiging banal sa Panginoon ang ikasangpung bahagi.


At pinatunayan ni Apostol Pablo sa Bagong tipan :

Bagong Tipan (New Testament):


Hebreo 7:5
5 At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagama't ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham:


Eto pala ay kautusan talaga ng Panginoon Dios ng panahong Israelita,

Ngayong panahong Kristiyano ba ay ipinatutupad pa po ba ito? Pag aralan po natin ang Biblia, at kautusan ng Panginoong Hesukristo..

Sabi ni San Pablo sa mga hebreo :

Hebreo 3:1-3
1 Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa pagtawag ng kalangitan, inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala, si Jesus; 2 Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya. 3 Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay.

Palibhasa'y bugtong na Anak ng Panginoong Dios ang Hesukristo kaya Siya ay mas may karapatan kaysa kay Moises. Kaya Pinalitan na ng Panginoong Hesus ang kautusan sa kalooban ng Ama.


Hebreo 7:12 
12 Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.

Ano naman po ba ang ipinalit ng Panginoong Hesukristo na kautusan tungkol sa pag aabuloy sa Iglesia?


2 Mga Taga-Corinto 9:7 
7 Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

Iyan na po pala ang kautusan ng Panginoong Hesus sa panahong Kristiyano, kaya wala na po pala ang kautusan ni Moises na Ikapu..


At dahil pinalitan na po ng Panginoong Hesus ang kautusan, samakatuwid ang pag pagpapatupad ng mga pastor at maling relihiyon sa mga ka anib nila na magbigay ng ikapu ay kasalanan. Sa kadahilanan na ang pagbibigay ng ikapu ay wala na at di na sakop ng pananampalataya (faith).

Na sinabi ni San Pablo sa mga taga Roma ay :


Mga Taga-Roma 14:23 
23 Nguni't ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka't hindi siya kumakain sa pananampalataya; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan.

Ang hindi po pala sa pananampalataya ay kasalanan...Mag isip-isip po kayo at mag suri po kayo ng mga relihiyon para hindi po kayo mailigaw ng mga bulaang pastor, bulaang propeta, bulaang apostol, bulaang kristo...Ingat po mga kababayan at mga kapatid. Samahan nawa kayo ng Panginoong Dios sa Pag susuri.......AMEN...
Powered by Blogger.

 

© 2013 testingonly. All rights resevered. Designed by Templateism

Back To Top